July 29th, 2006
This was first written last June 17, 2006. Any emotions or mood that may be identified with the author may not currently exist anymore...
Pathetic. Nakakaawa kung tutuusin. Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga pagdududa sa ‘yo ngunit ngayon alam ko na. Hindi ko alam kung hindi mo sinasadyang nasasaktan ako. Dahil na rin sa mga kaisipiang nabubuo ko. O marahil gusto mo nga talaga akong masaktan. Akala ko dati aka ng nakakagulo. Maling akala. Kung titignan nating maigi, ikaw nga pala talaga ang nakakagulo sa ‘kin. Gulong-gulo ang aking isip. Di ko akalaing puro kasinungalian lang pala ang lahat. Ang galing mo! Paano mo nakuhang gawin ;to? Sabi mo pa dati bakit ka naman magsisinungaling kung wala naman premyo? Isang palabas lamang pala yun. At dahil dyan binibigyan kita ng premyo. Isang parangal para sa taong pinakanakasakit sa ‘kin. Bakit ngayon wala kang kibo? Wala ka ba man lang gusting sabihin? Siguro nga wag ka na lang magsalita dahil baka puro kasinungalingan na naman ang marinig ko. Kung matagal ka ng ganito sana itigil mo na. Sana ako na ang huling lolokohin mo. Hindi lahat ng gusto mong magpapasaya sa yo ay makukuha mo. Kung may hinanakit sa puso mo, wag mong ipasa sa iba. Matuto kang gamitin ito sa paglago mo bilang isang tao. Salamat na lang sa lahat. Ang ating pagkakaibigan… sana nga’y hindi mawala…