August 1st, 2005
Jinxed (Part 2)
First day of August: Ngayon ay medyo bumaba na ang pagkahigh-blood ko kanina. Dinaan ko na lang sa tulog. Hay. Depressing talaga. Waahh!! Nangamote ako sa quiz sa accounting! At hindi lang kamote! Isama mo pa ang mais at lahat na ng rootcrops sa mundo! Waahh!! To top it all, kanina ko lang din nalaman na may quiz pala sa Math. Damn. Ang alam ko lang pinapasagutan yung module 1, but no! May quiz pala. So much for not listening. Damn it. Kaya good luck na lang sa mga quiz ko kanina. Nawa'y may milagrong mangyari. At eto pa. Binalik na ang third quiz namin sa Filipino, at kamusta naman sa score ko? 76/100. May consideration na yan mula sa aming dakilang guro, so kamusta naman sa score ko kung wala yun di ba? Haay. Kailangan kong maka-1.5 sa Filipino!! Waahh! Kakaririn ko ang pre-lims.
Last days of July
July 30: Wala ako sa sarili ko kinaumagahan dahil syempre Sabado na naman at may pasok at ang isa pang dahilan ay ang laro ng UP nung kinahapunan. Miss ko na ang Maroons at ito ang unang live game na papanoorin ko for the season. I was so excited and I just can't hide it!
Tipong kinalampag ko pa yung mga locker sa tabi ng locker ko nung pauwi na kami ni BFF (best friends 4ever) Jane. haha. (hi, Jane!
) So pagkauwi ko, major panic kami ni pinsan sa pagkain dahil malapit na mag-1. At hindi pa siya nakakaligo. Pasaway kasi eh.
Edi hayun. Mga pass 1 na kmai nakaalis ng bahay at kumaripas na kami ng takbo papuntang LRT. Syempre, di kami tumakbo literally.
Buti na lang at may LRT! Salamat! Hayun. Edi Nakarating kami dun ng mga 1:30. Tapos eto pa yung malala, malapit na malowbat ang aking cellphone. Talaga naman oh. At salamat kay gracielle dahil nilibre niya ako 10 dun sa ticket.
at salamat din kay JB sa pagbili pa ng isang ticket.
oops, di ko pa pala nababayran yun. hehe. Edi hayun, pumasok na kami ni dear cousin sa loob at walang hiya! Nagsimula na pala! Anak ng tokneneng! Mga 4 minutes na ang nakalipas. haay. At puno na ang upper A kaya medyo nahirapan kami sa pagtatanong kung may nakasave ba sa upuang ito at iyon. Edi hayun. Sobrang saya sa upper A! haha. first time ko dun eh.
At syempre todo cheer ako! kahit na yung nasa tabi ko ay mga elders. Iskeyri. Pero ok lang. Ansaya talaga! Lalo na yung wave namin! Kahit lamang ang ADMU, sige pa rin kami. Hindi tuloy makaporma crowd ng ADMU. Syempre, alangan namang gayahin nila yung wave namin. Haha! Medyo hindi lang kami nakakarelate sa action sa court kasi nga hindi masyado kita sa taas ang mga detalye ng pangyayari. To cut the long story short, hindi na-maintain ng Maroons ang good play nung first minutes of the game kaya iyon nalamangan sila ng lintek na Eagles at natalo. Hay. Medyo naulit ang kanilang pagkakamali noong UE game nila. Grabe, depressing.
Sobrang sablay pa yung free throws! Kung kailan kailangan hindi naman naishooshoot. Ayan, 3-2 na tuloy sila. Hay. Marami rin akong nakitang familiar faces tulad na lang nila moppet, aileen, claude, kuy, Pam S, at syempre ang aking blockmate na si Adrienne! ahaha. (Naku, hindi ko pa anamn alam na andun ka. Ngayon alam mo na kung paano ako magwala sa pagcheecheer! hehe.) Pagkatapos ay nag-ukay kami ni cousin. Hehe. At syempre umuwi na rin dahil wala na breads pangkain. Sa bahay na lang.
Anyway, UP fight pa rin! Beat the Falcons and Tamaraws!
July 31: Inatake ako ng dysmenorhea. Hayup. Kaya ako'y nanatili sa bahay at nanood na naman kami ni dear cousin ng UAAP sa TV.
Sa wakas, nanalo na rin ang UST! Wahaha! Major funny kasi nag-OT pa! Tawang tawa talaga ako kasi sobrang halata ang pagkagutom nila sa panalo! At mas lalong laughtrip ang coach ng NU! Gago talaga! Wahaha. At si Jahnke ng NU, wahaha! The facial expression! Parang katapusan na ng mundo! Second game naman ay feu vs dlsu. Wahoe! Panolo syempre ang Tamaraws! yeahboi! Panalo ako sa pusta! P50 din yun! Yun nga lang hindi pa kami nagkakabayaran. (Marlon, maghanda ka na bukas ng exact bill!
)
