July 3rd, 2005
First Days of July
July1: Nagkasunog dito sa compund namin. Shusmi. Nagrereview ako ng philo tapos biglang nagsisigawan yung mga tambay sa kapitbahay at sinasabing, "sunog! sunog!" Syempre, kami naman ng pinsan ko, inakala naming ano na namang ingay ito. But no, totoo pala!! Shusmi. Major panic kami. Bakit? Malaki na yung sunog at kung lalaki pa siya ay aabutan yung likod ng bahay namin. Buti na lang umuwi si daddy nung araw na iyon at hinakot na namin sa van yung mga imporatanteng kagamitan sa bahay. Dumating din yung kaorg ko sa kabilang street at aking lola at tito na kastreet lang namin. Hayun. Thank God naagapan yung sunog at umulan habang binobomba yung sunog. Hay.
July 2: Birthday ni Lebs! Happy birthday Lebs! Birthday celeb ni Pam Q sa Gerry's Grill sa Libis. Grabe! 4-1 reunion. Dun ko lang talaga narealize na, huwow!! miss ko na ang 4-1!! Nakakatawa kasi sobrang lamig sa Gerry's at nagkumpulan kami sa isang sulok at nagpicturan. Haha! So nung nagpapic kami sa waiter, may isang guy sa katabing table na nagpapic din kasama yung friends nya, guess what?! pinicturan nya rin kami. Shusmi. Hehe, ok lang. Funny. So ayun, kwento2, di maubusan ang kwento. Masaya. Hrm... Kelan kaya ulit kami magkikita-kita?

(kahit mabugbog ako ng mga tga UST. hehe.) (JB!! Sayang di ako nakasama sa panonood ng live. Sadness... pero ok lang. )