Entries for May, 2005

May 8th, 2005

A Traumatic Experience

Wahahahahahaha!!! This is the first time...na gagawa ako ng blog entry ko sa sarili kong pamamahay! Yey! May landline na kami! After 10 thousand gazillion years! So... Ano ang nangyari sa akin nung enrollment sa UST? Oh well... Isang malaking suntok sa buwan. Una, dumating ako sa oras. 2pm. Nakasulat kasi sa confirmation of enrollment na paper ko, 2-3pm. Nagtanong ako sa "information" table kung anong gagawin tapos sabi hanap daw ako ng pe ko na hindi makakasagabal sa sked ko. Fortunately, mabait naman yong napagtanungan ko. Aba pagdating ko doon sa isang maliit na bullettin board na ang nilalaman ay listahan ng mga P.E. ay nagkakandarapa ang mga tao sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw. Buti na lang at nakayanan ng powers ko ang unang step na iyon. Tapos magbabayad na, eh di pasok naman ako sa gym nila. Buti na lang ay nakasalubong ako ni Dianne Consolacion kasi na"lolost" na sya.  Naguguluhan kami tungkol sa rotc at aming napagalaman na hindi naman pala required iyon. Kawawa naman yong mga nagoyo.  Tapos nakita namin si Pam Q. Hayun nagsamasama kami. Medyo ayoko na balikan ang mga pangyayari dahil nakakabwisit talaga. Ang highlights lang naman ay may nakilala naman ako dahil ang aking resolution sa UST ay kausapin ang sino mang malapit sa akin sa panahon ng krisis.  At syempre ang tanging nagpagaan ng aking enrollment day ay ang aking pinakalatest na crush. Si R---Y. Ahaha! Nakita ko lang sya nung confirmation at nakita ko sya muli noong enrollment. Feeling ko third yr na sya. At ito pa pala ang isang highlight, nakaalis ako ng UST ng 6pm. Kamusta naman sa apat na oras na enrollment?! Shusmi. Ok, ayoko na ityuloy ang kwentong ito. Mamaya ulit. Happy MOther's Day to all the moms!
Posted by meleeza at 01:00 PM | Be seen,be heard

Unforgettable YOU

Here are the things that will make me remember Summer 2005.

  1. May 6, 2005, iyan ang araw na nakabitan kami ng landline. Yey!
  2. Nag-enroll ako sa UST sa unang pagkakataon. Kakaiba ito.
  3. Lahat ng talagang pinlano kong gagawin ay hindi natupad. (i.e. Puerto Galera w/ family, Outing w/ barkada, Senakulo, Dance lessons, Kickboxing lessons, etc.)
  4. Natupad ang hindi ko masyadong pinlano na gagawin. (i.e. magbenta ng ukay-ukay dito sa bahay at magbenta ng ice candy)
  5. Hindi ako nakapunta sa 17th birthday ni JB. Loser talaga.
  6. Hindi ko nakasama ang orgmates ko noong Holy Week.
  7. Nakilala ako ng mga bata dito sa aming neighborhood dahil sa aking ice candy.
  8. Marami akong katangahang nagawa sa text.
  9. Tunay ngang totoo (redundand ka ba?!) ang competition sa business. Kamusta naman sa panggagaya ng aking mga kapitbahay sa ice candy business ko?!
  10. Ang pagkaconcern ko sa aking pinsan dahil hindi siya natanggap sa UST dahil sa kadahilanang naubusan siya ng slots.
  11. Hindi ko akalaing magiging sawi na naman ako pag-ibig for the third time. Kamusta naman sa pagiging HOPELESS romantic ko?!
  12. Napatunayan kong bopek ang mga lalaking tinedyer kong mga kapitbahay.
  13. Napatunayan kong NAPAKAinit sa aking kwarto pagpatak ng alas dos ng hapon.
  14. Ito ang summer kung saan tumawa ako at umiyak ng sabay dahil sa frustration.
  15. Nahanap ng tatay ko ang curlers sa isang bag at kaya naadik ako sa pagkulot ng aking buhok.
  16. Nagpagupit ako kamakailan lamang at iyon ang gupit ko after 11 months.
  17. Dumalo ako sa dalawang debut ng aking kaklase.
  18. Naisip ko na ang bilis ng panahon at naisip ko ring tatanda na ako kaya ayaw ko pa mag-18.

itutuloy...

Posted by meleeza at 04:46 PM | Be seen,be heard

May 15th, 2005

Woke up at the wrong side of the bed

It's exactly 8:12am here in my computer's clock. I woke up at around 6:5somethin, which is so unusual for me. Last night, I can't sleep and I don't know why. I was tired, but I can't. I am not insomniac either. Ugh. And now I have colds and cough. Alam mo yung feeling nainuuhog ka? Ugh. It just sucks. At alam mo yung feeling na mainit tapos biglang uulan at manlalagkit ka? Ugh again. Oh well, it's just start of the day. I hope everything's will be fine.

Btw, to those who are diet-conscious, I have discovered something for you.

Currently feeling: sleepy
Posted by meleeza at 08:24 AM | Be seen,be heard